Sabillo pababagsakin nang maaga si Estrada
MANILA, Philippines - Nauna nang ipinangako ni Colombian challenger Jorlie Estrada na pababagsakin niya si world minimumweight champion Merlito ‘Tiger’ Sabillo sa loob ng seven rounds.
Sa kanilang press conference kahapon, walang ginaÂwang prediksyon si Sabillo para sa kanilang laban ni Estrada bukas sa Solaire Resort Hotel and Casino sa Pasay City.
“Tingnan na lang natin sa ibabaw ng (boxing) ring at kung mapapabagsak talaga niya ako sa loob ng seven rounds,†wika ni Sabillo.
Idedepensa ni Sabillo (21-0-0, 11 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization minimumweight crown sa unang pagkakataon kontra kay Estrada (16-6-0, 5 KOs).
Kung makakahanap siya ng pagkakataon ay patuÂtumÂÂbahin niya si Estrada sa mas maagang bahagi ng kanilang laban.
“Titingnan ko muna ang galaw niya sa first two rounds. Kapag nagkaroon ako ng tamang oras para ma-knockout siya ay gagawin ko,†sabi ng 29-anyos na tubong Toboso, Negros Occidental.
Ang 24-anyos na si Estrada ay No. 6 sa WBO ranÂkings sa buwan ng Mayo.
“I can defeat the Filipino champion and I want to bring the title to Colombia,†sabi ni Estrada. “I have trained for three months and I will do my best to win.â€
Nakatakda ang official weigh-in ngayong tanghali sa Solaire Resort Hotel and Casino.
Sa undercard, paglalabanan nina ‘King’ Arthur VillaÂnueva (21-0-0, 11 KOs) at Mexican Arturo Badillo (21-4-0, 19 KOs) ang bakanteng WBO Asia Pacific super flyweight title.
Sasagupain naman ni bantamweight AJ ‘Bazooka’ Banal (28-2-1, 20 KOs) si Mexican Abraham ‘Cholo’ Gomez (18-7-1, 9 KOs) at haharapin ni super bantamweight ‘Prince’ Albert Pagara (14-0-0, 10 KOs) si Khunkhiri Wor Wisaruth (9-4-1, 5 KOs) sa kani-kanilang non-title fights.
- Latest