MANILA, Philippines - Wala na sa Pambansang koponan ang SEA GaÂmes long jump queen Marestella Torres.
Si Torres ay nagpasabi na sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ng kanyang desisyon na iwanan na ang buhay atleta at ibuhos ang panahon sa pagkakaroon ng pamilya.
Ang kanyang pagbibitiw sa national team ay epektibo noong Hulyo 1 at ipinaalam na rin sa Philippine Sports Commission (PSC).
Ang 32-anyos na si Torres na siyang pinakamakinang na atleta sa athletics matapos manalo ng mga ginto sa Southeast Asia, Asian Championships at kinatawan ang Pilipinas sa 2008 Beijing at 2012 London Olympics.
Sa ngayon, ang long jumper na kampeon ng SEA Games sa huling apat na edisyon (2005, 2007, 2009 at 2011) ay nasa Dumaguete City at hinihintay ang unang anak nila ni Eliezer Sunang na atleta sa shotput.
Ang biglaang desisyon na ito ni Torres ay tiyak na makakaapekto sa hangaÂring tagumpay ng PATAFA sa Myanmar SEA Games.
Si Torres ang pinangaÂlanan ni national coach Joseph Sy na sure gold sa kanyang event.
Sa pangyayari, kailaÂngang magsumigasig si Katherine Santos para mapanatili sa Pilipinas ang ginto sa nasabing event sa ikalimang sunod na pagkakataon.
Si Santos ay nanalo ng bronze medal noong 2011 sa Indonesia sa 6.25-metro lundag.