^

PSN Palaro

AVC opisyal dadalo sa opening ng PSL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, darating ang isang opisyal ng Asian Volleyball Confe­deration (AVC) para pakinangin ang pagbubukas ng Philippine Superliga (PSL) na kauna-unahang volleyball club league sa bansa.

Si Shanrit Wongprasert na EVP para sa Southeast Asian Zone ng AVC ang magiging bisita sa mga kaganapang magtatapos sa opening ceremony sa Hulyo 7 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang opisyal na paglu­lunsad ng liga ay sa Hulyo 4 sa 7th High Street sa Bonifacio Global City habang ang press conference ay sa Hulyo 5 sa clubhouse ng Wack Wack Golf and Country Club.

May anim na koponan na handang magtagisan sa unang edisyon ng PSL at ito ay ang Cignal, Petron, PLDT, Cagayan Valley, PCSO-Bingo Milyonaryo at Philippine Army.

Ang SportsCore na binubuo ng professional events managers at siyang nag-organisa ng 4th Asian Beach Games sa Thailand at sa gaganaping Asian Wushu Championships sa Manila ang tutulong sa organisasyon ng PSL.

Ang liga ay may basbas din ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at ang iba pang sumusuporta ay ang PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers, PAGCOR at Solar Sports na siyang TV partner.

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN VOLLEYBALL CONFE

ASIAN WUSHU CHAMPIONSHIPS

BINGO MILYONARYO

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAGAYAN VALLEY

HEALTHWAY MEDICAL

HIGH STREET

HULYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with