^

PSN Palaro

Phl Volcanoes bokya sa RWCS7

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumasap ng 50-0 pag­katalo ang Philippine Rugby team sa kamay ng Japan para wakasan ang ‘di magandang ipinakita ng koponan sa Rugby World Cup Sevens sa pagtatapos ng kompetisyon kahapon sa Moscow, Russia.

Ang Pilipinas at Japan ay nakasama sa walong koponan na naglaban para sa Bowl trophy matapos hindi makatikim ng panalo sa preliminary round.

Pinangatawanan naman ng Japan ang pagi­ging number one sa Asian region sa naiukit na dominanteng panalo.

Bago ito, ang Philippine Volcanoes ay naglaro sa prelims sa Pool C ngunit lumasap sila ng 45-5 pagkatalo sa  Kenya, 29-0 pag­yukod sa Samoa at 19-7 pagluhod sa Zimbabwe.

Ito ang unang pagka­kataon na nasali ang Pilipinas sa World Cup at nangyari ito nang talunin ang South Korea sa qualifying noong nakaraang taon.

Ang nakuhang karana­san ng Volcanoes ay magagamit nila para pala­kasin pa ang kaalaman sa larong rugby bilang paghahanda sa posibleng pagsali sa Asian Games sa Incheon Korea sa 2014 na kung saan ang sport ay isa sa mga lalaruin.

 

ANG PILIPINAS

ASIAN GAMES

INCHEON KOREA

PHILIPPINE RUGBY

PHILIPPINE VOLCANOES

POOL C

RUGBY WORLD CUP SEVENS

SOUTH KOREA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with