LONDON--Nagtala si Andy Murray ng 40 winners at may 14 unforced errors lamang sa kanyang 6-2, 6-4, 7-5 panalo laban kay 32nd-seeded Tommy Robredo ng Spain patungo sa fourth round ng Wimbledon.
Malaki ang tsansa ni Murray na makapasok sa final round matapos mapatalsik sina No. 3 Roger Federer, No. 5 Rafael Nadal, No. 6 Jo-Wilfried Tsonga at No. 10 Marin Cilic.
Maaaring siya ang maging unang British man sa nakaraang 77 taon na nagkampeon sa All England Club.
“There’s a lot more pressure on me now, with them being out. I don’t read the papers. But there are papers in the locker room,†sabi ni Murray. “So you see some of the headlines. It’s not that helpful.â€
Naipanalo ni Murray ang 20 sa kanyang huÂling 21 laro sa grass court, kasama dito ang pagpasok sa finals ng Wimbledon kung saan siya natalo kay Federer.
Bukod kay Murray, ang iba pang natitira sa labaÂnan ay sina No. 1 Novak Djokovic at No. 8 Juan Martin del Potro.
Samantala, magtatapat naman sina top-seeded at defending champion SeÂrena Williams at 42-anyos na si Kimiko Date-Krumm sa women’s division.