Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. Arellano
vs San Sebastian
6 p.m. Perpetual vs EAC
MANILA, Philippines - Mag-uunahan sa pagpitas ng kanilang unang panalo ang Perpetual Help, Arellano University at Emilio Aguinaldo College, habang hangad naman ng San Sebastian College na makabangon sa kanilang unang kabiguan.
Magtatagpo ang Altas at ang Generals ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng Chiefs at Stags sa alas-4 ng hapon sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Inaasahang sasamantalahin ng Emilio Aguinaldo ang pagkawala sa Perpetual nina scorer Jett Vidal at George Allen.
Ipaparada ng Altas ang mga bagong mukhang sina dating Adamson cagers Kervin Lucente at Nestor Bantayan, Jr. at Juneric.
“Basta kami one game at a time lang,†sambit ng 73-anyos na si head coach Aric Del Rosario sa kanyang Perpetual.
Muli ring aasahan ni Del Rosario, iginiya ang UST Tigers sa ‘three-peat’ sa UAAP, sina Nigerians Femi Babayemi at Nosa Omorogba bukod pa sa nagbabalik na si Earl Scotty Thompson.
Iginiya ni Del Rosario ng Altas sa kanilang unang semis appearance noong nakaraang NCAA season.
Idinagdag naman ng Generals ni Gerry Esplana sina Fil-Nigerian Sydney Onwubere at Cameroonian Jean Jacques Hiola Manga.
Samantala, nanggulat ang Chiefs ni Koy Banal nang talunin ang ‘three-peat’ champions na San Beda Lions sa group staÂges ng nakaraang Filoil Flying V Hanes Premier Cup.
Sina John Pinto at Fil-Canadian James Forrester ang babandera para sa Arellano ni Banal laban sa San Sebastian ni Topex Robinson
Nanggaling ang Stags sa isang 69-74 kabiguan sa Letran Knights noong Sabado.