Canizares, Manduriao kampeon sa Head netfest

MANILA, Philippines - Tinalo nina third seed Argil Lance Canizares at No. 4 Erika Manduriao ang kani-kanilang kalaban upang makopo ang 18-under titles sa pagtatapos ng Head Junior Satellite Circuit national tennis age-group tournament’s final leg na idinaos sa Meralco tennis courts sa Ortigas kamakailan.

Ginamit ni Canizares ang kanyang malakas na backhand at mahusay na serbisyo para igupo si Marcen Angelo Gonzales, 6-3, 6-4 at ibulsa ang korona sa boy’s side ng premier category ng naturang annual national circuit.

“I really did my best be­cause I know my opponent would come out strong too,” ani ng 16-anyos na si  Canizares. “It’s really good to win a title here in Manila.”

Sa kabilang banda, kinailangan ni Manduriao na mag-rally upang tabunan ang top seed na si Andrea Nicole Amistad, 1-6, 6-4, 3-2 (retired), para agawin ang  girls’ 18-under singles title, ang kanyang ikalawang tropeo sa kompetisyong ito na suportado ng Smart Sports, Chris Sports, Meralco, Maynilad, Toalson at Head.

Tinalo rin ni Manduriao si Amistad, 6-3, 6-4, sa 16-under finals habang kinuha ni fourth seed Julian Dayrit ang  boys’ plum sa bisa ng  4-6, 6-4, 6-3 panalo la­ban kay Elijan Arevalo.

Show comments