Tatapusin na! Spurs ‘di na pakakawalan ang pagkakataon
MAIAMI--Handang pigilan ng nagdedepensang kampeon na Miami Heat ang planong selebrasyon ng San Antonio Spurs sa pagkikita uli ng dalawang koponan sa Game Six ng NBA Finals na gagawin sa American Airlines Arena sa Miami, Florida.
Bumalik ang serye sa homecourt ng number one team sa liga ngunit napag-iiwanan ang Heat ng Spurs, 2-3, sa best-of-seven series.
Nagpiyesta ang Spurs nang ginawa ang huling tatlong laro sa kanilang homecourt nang kunin ang Games Three at Five para mangailangan na lamang ng isang panalo upang kuÂnin ang ikalimang NBA title.
“We understand Game 6 is huge,†wika ni Tony Parker. “Obviously, you want to finish in the first opportunity you get. We understand that Miami is going to come out with a lot more energy, and they’re going to play better at home. They’re going to shoot the ball better, Their crowd is going to be behind them.â€
Ang huling dalawang laro ay gagawin sa naÂsaÂbing venue pero mawawalang-saysay ang Game Seven kung hindi nila maipapanalo ang larong ito.
“I’m sure this team, they’ve been here before many times. They understand winning that last game is one of the hardest thing you’re going to do. And we understand it as well,†pahayag ni Dwayne Wade.
May kumpiyansa naman siyang maitatakas pa ng Heat ang panalo lalo pa’t determinado pa ang kanyang mga kakampi tulad nina Lebron James, Chris Bosh at beteranong si Ray Allen na panatilihin pang buhay ang paghahabol sa ikalawang sunod na NBA ring.
“It’s the game we’ve got to play it. I like our chanÂces, just like they like their chances, in the series and in Game 6. We’ll see. We’ll see which team, which style is going to prevail,†dagdag ni Wade.
Makakatulong naman ni Parker ang mga may edad at sinasabing paretiro nang sina Tim Duncan at Manu Ginobili na tila bumalik sa kanilang kabataan sa huÂling laro.
- Latest