MANILA, Philippines - Sapat ang malakas na panimula ng Gilas Pilipinas para talunin ang LithuaÂnian U-20 team, 83-75, sa pagpapatuloy ng mga tune-up games kahapon sa Lithuania.
Umiskor ng 30 puntos sa unang yugto ang NatioÂnals para hawakan ang walong puntos na kalamaÂngan (30-22) bago tinapatan na lamang ang opensa ng katunggali tungo sa panalo.
Sina Jason Castro at Marcus Douthit ang namuno sa Gilas sa kanilang 14 at 12 puntos habang sina Gabe Norwood, Gary David, Jimmy Alapag, Junmar Fajardo at Larry Fonacier ay nagtulong sa 38 puntos.
Ang Lithuanian team ay binuo ng mga manlaÂlarong ipinanganak noong 1993 at tatlo sa kanila ay naglalaro sa US NCAA DiÂvision 1 schools.
“We beat a tall and tough U-20 national team,†tweet ni national coach Chot Reyes.
Ang panalo ay pambawi ng koponan matapos lasapin ang 86-89 pagyukod sa LSU-Baltai sa huÂling laro.
Ito rin ang ikatlong taÂgumpay sa apat na laro ng Nationals at ginagamit nila ang tune-up games para palakasin ang paghahanda para sa FIBA-Asia Men’s Championship sa Manila mula Agosto 1 hanggang 11.
Hindi naman pulido ang laro ng Gilas wika ni Reyes kaya’t kailangan pa nilang magtrabaho para maabot ang kalidad na hanap ng batikang coach.
“Still a lot of turnovers, still shot poorly from the three, but saw a lot of positives,†dagdag ni Reyes.
Magkakasukatan uli ang dalawang koponan sa Huwebes bago tapusin ng Gilas ang anim na laro sa pagbangga uli sa LSU-Baltai.