UAAP Season 76 media accreditation

MANILA, Philippines - Nagsimula na ang pagpapa-accredite ng mga mamamahayag para sa Season 76 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na magsisimula na sa Hunyo 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang mga reporters at photographers mula sa national dailies at tabliods, campus publication at online outfits ay maaaring magpa-accredite sa pagpapatala sa website n a uaap_season76@yahoo.com

Apat na UAAP ID cards ang maaaring ibigay ng liga sa mga media outfits at ito ay para sa primary reporter at photographer at tig-isang generic card para sa pamalit na reporter at photographer.

Hinihimok ng pamunuan ng liga na iho-host ng Adamson, na magpatala na ang mga magkokober para agad na maisaayos ang mga IDs.

Show comments