^

PSN Palaro

Warriors muling giniba isang tagay na lang sa Beermen

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinakawalan ng San Miguel Beer ang ma­gandang break na ibinigay ni Indonesia Warriors coach Todd Purves nang kunin ang 66-65 panalo sa Game  Two ng ASEAN Basketball League (ABL) Finals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Napag-iwanan ng isang puntos sa huling 6.8 segundo, nabiyayaan ang Beermen na makapagdiskarte ng mahalagang play nang sa di inaasahang pangyayari ay tumawag ng timeout si Purves.

Wala ng timeout si Beermen coach Leo Aus­tria sa puntong iyon at pinagbayad niya ang nagdedepensang kampeon nang makagawa ng mahusay na inbound play si Leo Avenido para kay Brian Williams tungo sa winning basketball.

“Six seconds left and we don’t have any timeout. But they gave us a timeout maybe they were afraid of our play and they organized their defense,” wika ni Austria.

Ang panalo ay nagsulong sa 2-0 sa kalama­ngan ng Beermen. Puwede ni­lang tapusin ang best-of-five title series sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia kung manalo ng isa sa dalawang home game ng Warriors.

Ibinigay ni Stanley Pringle ang 65-64 kalamangan sa huling 22.7 segundo sa mahirap na spin-drive bago diniskaril ni Christian Sitepu ang opensa ng Beermen nang butatain si Avenido para sa sideout ng home team sa huling 6.8 segundo.

Sinikap ni Pringle na ipanalo ang Warriors sa kanyang coast-to-coast drive pero napalakas ang kanyang bitiw para sa isang mintis.

“Coach Leo drew up a play and I got the winning basket. Sometimes, he just comes out with his own stuff,” pahayag ni Williams na mayroong 17 puntos at 16 rebounds.

May 12 puntos si Chris Banchero habang tig-walo an ginawa nina Asi Taulava at Avenido.

 

vuukle comment

ASI TAULAVA

AVENIDO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CHRIS BANCHERO

CHRISTIAN SITEPU

COACH LEO

INDONESIA WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
7 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with