Gilas binugbog ang Birstono Jazz Diremta

MANILA, Philippines - Kinubra ng Gilas Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo sa isinasagawang tune-up games sa Lithuania nang padapain ang Birstono Jazz Diremta, 74-63, noong Biyernes ng gabi sa Suyturio Arena sa Klaipeda, Lithuania.

Nanalo ang tropang hawak ni coach Chot Reyes kahit may masamang 3-of-20 shooting sa tres para sundan ang nakuhang 81-76 panalo sa Klaipedos Neptunas noong Huwebes.

“Come from behind W again. Shot only 3/20 3x, but found ways to stay in the game Still a lot of work to do,” wika ni Reyes sa kanyang tweeter.

May 18 puntos si Marcus Douthit, 13 si Gabe Norwood, 9 ang ibinigay ni Gary David at 7 ang hatid ni Jeff Chan para sa Gilas na ginamit din ang angking bilis para makuha ang panalo kahit napag-iwanan ng Birstono sa unang tatlong yugto, 16-18, 30-36 at 47-52.

Kumawala ng 27 puntos ang Nationals habang nalimitahan ang mas ma­lalaking katunggali sa 11 tu­ngo sa ikalawang dikit na tagumpay.

“Great comeback! Shot poorly today but adjusted and got them w/ our speed. Our (team) just kept on figh­ting,” tweet naman ng anak ni Chot na si Josh Reyes na isa sa mga assistant coaches ng koponan.

Sunod nilang katapat ay ang Kaunas LSU-Baltai sa Linggo habang ang iba pang haharapin ng koponan ay ang Birstono uli at ang Lithuanian U-20 national team na isang two-game series.

Show comments