MIAMI -- Kumolekta si Tim Duncan ng 20 points at 14 rebounds, habang nagsalpak naman si Tony Parker ng isang desperation jumper sa nalalabing 5.2 segundo para igiya ang San Antonio Spurs sa 92-88 panalo kontra sa Miami Heat sa Game 1 ng NBA Finals.
Nalampasan ng Spurs ang ikalawang sunod na NBA Finals triple-double ni LeBron James mula sa kanyang 18 points, 18 reÂbounds at 10 assists para sa Heat.
“We’re here to win. It doesn’t matter how we’re categorized. It’s been a lot of years since we’ve been here. We’re just happy to be back here,’’ sabi ni Duncan, gustong sundan si John Salley bilang taÂnging NBA player na nanalo ng titulo sa tatlong dekada.
Tumapos si Parker na may 21 points na tinampukan ng kanyang banked shot para ibigay sa San Antonio ang isang four-point lead sa huling 5.2 segundo.
“We got a little bit lucky in Game 1,’’ ani Parker.
Nagdagdag si Manu Ginobili ng 13 points kasunod ang 12 ni Danny Green para sa Spurs.
Umiskor naman si DwyaÂne Wade ng 17 points para sa Heat ngunit nadepensahan sa kabuuan ng fourth quarter kung saan may 2 points lamang si Chris Bosh.
Nakatakda ang Game 2 sa Linggo.
Kinuha ng Miami ang 52-49 abante sa first half bago naagaw ng San Antonio ang 77-76 bentahe mula sa dalawang free throws ni Parker sa 7:47 sa fourth period.
Tumipa si Bosh ng isang jumper para sa 78-77 paglayo ng Heat mula sa ika-10 assists ni James kasunod ang isang follow up ni Kawhi Leonard at isang spinning layup ni Parker para muling angkiÂnin ng Spurs ang 81-78 kaÂlamangan.