MIAMI--Umiskor si LeBron James ng 32 points, habang nagdagÂdag si Dwyane Wade ng 21 para pangunahan ang Miami Heat sa 99-76 paglampaso sa Indiana Pacers sa Game 7 ng kaÂniÂlang Eastern Conference championships series sa American Airlines Arena.
Bumalikwas ang Heat, hindi pa natatalo ng dalawang sunod sapul noong Enero 10, mula sa kanilang kabiguan sa Game 6 sa Indianapolis para umabante sa kanilang ikatlong dikit na finals appearance.
Makakatapat ng Miami ang San Antonio Spurs para sa NBA Finals na magsisimula sa Huwebes sa South Florida.
Kasama ang kanilang labanan sa regular season, may 5-5 record ang Heat at ang Pacers sa kanilang 10 ulit na paghaharap, ngunit naipanalo ng Miami ang pinakaimportanteng laro.
Bumangon si Wade mula sa 12 sunod na laro kung saan hindi siya nakaÂka-Âiskor ng higit sa 20 points na pinakamahaba maÂtapos ang kanyang rooÂkie year.
Nalimita si Wade, nagtala ng average na 21.2 points sa regular season, ng Indiana sa 14.6 points per game sa unang anim na laro sa serye,
Sa Game 7, nagposte si Wade ng 7-of-16 fieldgoal shooting at tumipa ng 7-of-7 sa free throw line.
Naglista naman si Chris Bosh ng puntos mula sa 3-of-13 shooting bukod pa sa 8 rebounds.
Nadepensahan ng Heat sina Pacers stars Roy Hibbert at Paul George na kumana lang ng 18 at 7 points, ayon sa pagkakaÂsunod.
Nakuha ni George ang kanyang ikaanim at huling foul kay James sa 7:43 sa fourth quarter.
Muling nabigo ang PaÂcers, hindi pa nananalo ng NBA title, na makapasok sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon sa kanilang franchise history.
Umabante ang Pacers sa NBA Finals noong 2000 sa pamumuno nina Reggie Miller at Jalen Rose at natalo sa Los Angeles Lakers nina Shaquille O’Neal at Kobe Bryant, 2-4.