Lalanto bronze sa Singapore Aquathlon
MANILA, Philippines - Ibinangon ni Sixto Abeth Lalanto ang saÂrili mula sa di magandang kampanya sa 2013 Philippine National Games duathlon nang kuÂnin ang bronze medal sa 2013 Singapore Aquathlon juniors division na pinaglabanan East Coast Park sa Singapore.
May 32 minuto at 32 segundo si Lalanto nang tahakin ang 750-m swim at 5-km run course para makapag-uwi ng karangalan ang nag-iisang atleta na inilahok ng Triathlon Associatioin of the Philippines (TRAP).
Tampok na ginawa ng tubong Cagayan de Oro City triathlete ay ang pagsumite ng pinakamabilis na bike split sa 25 na naglaban na nasa 11 minuto at 9 seÂgundo.
Kampeon si Mohd TaÂreef Zakata ng Malaysia sa 31:05 habang ang pilak ay napunta kay Bret Izzo ng Australia sa 32:54 oras.
Sumali sa PNG duathlon si Lalanto na ginawa noong Mayo 26 pero hindi siya pinalad na makapag-uwi ng medalya.
Kasama siya ni Jimuel Patilan sa unahan pero buÂmagal nang may maramdaman sa paa para hindi makapasok sa medal race.
- Latest