MANILA, Philippines - Lumabo ang planong pagbisita ng India football team sa bansa para sa isang international friendly laban sa Philippine Azkals sa Setyembre sa ‘di pa matukoy na palaruan.
Plano ng All India Football Federation (AIFF) na tumungo sa Pilipinas para sa Setyembre 6 na international friendly game. Ito ang una sa dalawang laro na nais gawin ng pederasÂyon bilang paghahanda sana para sa South Asia Football Federation (SAFF) Championship.
Ang ikalawang laro ng Blue Tigers ay laban sa MaÂlaysia sa Setyembre 10.
Pero nalagay sa alaÂngaÂnin ang balak na ito daÂhil nagdesisyon ang organizers ng SAFF na ilipat ang petsa ng Championship mula sa orihinal na Setyembre 18 na siÂmula tungo sa Setyembe 1 hanggang 11 na bagong kalendaryo.
Ang Manila, Cebu at Bacolod ang pinagpipiliang lugar para pagdausan ng larong ito.
Samantala, dumating na ang Azkals sa Hong Kong para sa international friendly sa host booters bukas sa Mong Kok Stadium.
Nasa 18 manlalaro ang dala ng Azkals sa panguÂnguna nina Stephan Schrock, Phil at James Younghusbands, Javier Patino at goal keeper Neil Etheridge.
Ito ang ikalawang international friendly ng Azkals sa taong ito. Unang hinarap ng Azkals ay ang Myanmar sa Yangon noong Pebrero 6 at nanalo ang Pilipinas, 1-0.
Ang laro na magsisiÂmula sa ganap na alas-8 ng gabi at mapapanood ng live sa Studio 23, ay baÂhagi ng paghahanda ng Azkals para sa 2014 AFC Challenge Cup sa MalÂdivies.