MANILA, Philippines - Pigilan si Fil-Am guard Stanley Pringle.
Ito ang magiging battle-cry ng San Miguel Beer sa pagharap sa Indonesia Warriors sa ASEAN Basketball League (ABL) Finals na magsisimula sa Hunyo 7 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si Pringle ang nakikita ni Beermen coach Leo Austria na siyang balakid sa hangaring unang titulo sa ABL sa ikalawang pagpasok sa Finals na ngayon ay paglalabanan sa best-of-five series.
Ang 6’1 guard ang siya ring tinik noong nagkaharap ang dalawang koponan sa Finals matapos bitbitin ni Pringle ang Warriors tungo 2-1 panalo sa Beermen na siyang may homecourt advantage.
“Every time he’s on the court, he dictates the tempo of the game. That’s why he’s a major concern for me,†wika ni Austria.
Dahil dito, kailangang maging handa ang kanyang mga guards na sina Chris Banchero, Paulo Hubalde at Jeric Fortuna para pigilan ang mahusay na si Pringle.
Napasok lamang sa koponan noong Abril, si Pringle ay naghatid ng 22 puntos, 6 rebounds, 2.67 assists at 1.5 steals nang walisin ng Warriors ang Westports Malaysia DraÂgons sa kanilang best-of-five semifinals series.
Pumasok sa Finals ang Beermen nang kalusin ang Sports Rev Thailand Slammers matapos ang apat na laro.
Sa guard lamang nakikita ni Austria na magkakaproblema ang kanyang koponan dahil kaya umano nilang tapatan ang frontline ng Warriors na binubuo nina Steve Thomas, Chris Daniel at Richard Smith laban kina Brian at Justin Williams, Asi Taulava at Erik Menk.
“I expect Indonesia to give us some surprises because they want to defend their title. But we will be ready,†dagdag ni Austria.