MANILA, Philippines - Tatlong panalo pa at gaÂgawa ng kasaysayan ang Indonesia Warriors sa ASEAN Baskerball LeaÂgue.
Walang hirap na dinomina ng number two team matapos ang eliminasyon ang number three team na Westports Malaysia Dragons nang walisin ang kanilang best-of-five semifinals series.
Noong Miyerkules ng gabi natapos ang labanan sa MABA Gym sa Kuala Lumpur, Malaysia sa paÂmamagitan ng 81-64 deÂmolisyon tungo sa 3-0 sweep.
Ang mga inaasahang sina Stanley Pringle, Mario Wuysang at mga imports Chris Daniels at Steve Thomas ang mga kumaÂmada upang balewalain ang homecourt advantage na bitbit ng Dragons.
Si Pringle ang namuno sa koponan sa kanyang 24 puntos at 8 rebounds habang si Wuysang ay may 17. Si Daniels ay nagÂhatid ng 18 puntos at 8 boards habang 17 boards at 10 puntos ang ibinigay ni Thomas.
Bago ito ay pinangataÂwanan ng Warriors ang kanilang homecourt advantage matapos angkinin ang 72-63 at 77-65 panalo
Sa maagang pagkakatapos ng kanilang semifinals series, ang tropa ni coach Todd Purvis ay magkakaroon ng karagdagang araw para makapagpahinga bago buksan ang gagawing title defense.
Ang mananalo sa pagitan ng San Miguel Beer at Sports Rev Thailand Slammers ang siya nilang makakatapat sa Finals na inilagay din sa best-of-five series.
Angat ang Beermen sa Slammers sa 2-1 iskor at puwedeng wakasan ang kanilang serye kung nanalo kagabi sa Bangkok.