Austria nahirang na ABL Coach of the Year

MANILA, Philippines - Hinirang ng ASEAN Basketball League si San Miguel Beer coach Leo Austria bilang kanilang Coach of the Year.

Ang award ay ibinigay kay Austria matapos siya ang nanalo sa isinagawang botohan ng mga kasapi ng liga bilang pagkilala sa mahusay na pagdadala sa Beermen.

Gumawa ng ABL record na 16-game winning streak ang tropa ni Austria at hawak din ng Beermen ang pinakamalaking winning margin sa liga na 52 puntos, 101-49, na nangyari noong Abril 17 sa Vietnam kontra sa Saigon Heat.

“Coach Leo Austria was at the top of his profession all season long and this award is no surprise,” wika ni ABL CEO Anthony Marci. “ A great blend of tactician and motivator, coach Austria’s uinderstated approach was a strong influence on his players. We are lucky to have him here in the ABL.”

Ito ang unang individual awards na ibibigay ng liga dahil susunod na panga­ngalanan ay ang World Import MVP, Defensive Player at AirAsia 2013 ASEAN MVP Award.

Show comments