^

PSN Palaro

Cuello sasabak na sa world title

Russell RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating na ang matagal nang hinahangad na pagkakataon ni Denver ‘The Excitement’ Cuello na makalaban para sa isang world boxing crown.

Hahamunin ng Filipino mandatory challenger na si Cuello si Xiong Zhao Zhong ng China para sa suot nitong World Boxing Council minimumweight title sa Hunyo 28 sa Dubai, United Arab Emirates.

Ito ang kauna-unahang title fight ni Cuello para sa isang lehitimong world bo­xing crown matapos magbitbit ng WBC International at Silver minimumweight belts.

Sinabi ni WBC official Patrick Cusik kay WBC president Jose Sulaiman kapwa pumirma na ng kanilang mga fight contract sina Cuello (33-4-6, 21 knockouts) at Zhong (20-4-1, 11 KOs).

Nagmula ang 26-anyos na tubong Cabatuan, Iloilo na si Cuello sa isang majo­rity decision win kontra kay Takashi Kunishige ng Japan sa kanilang ten-round, non-title bout noong Abril 7 sa Osaka, Japan.

Sumasakay sa isang 12-fight winning streak si Cuello, huling nakatikim ng kabiguan kay Juan Hernandez sa kanilang WBC minimumweight title eliminator noong Mayo 22, 2010 sa Mexico.

Nakuha ng 30-anyos na si Zhong ang bakanteng WBC belt nang dominahin si Javier Martinez Resendiz ng Mexico via unanimous decision noong Nobyembre 24, 2012 sa Kunming City Stadium sa China.

Kumpiyansa si Cuello na maaagaw niya kay Zhong ang suot nitong WBC crown.

 

CUELLO

JAVIER MARTINEZ RESENDIZ

JOSE SULAIMAN

JUAN HERNANDEZ

KUNMING CITY STADIUM

PATRICK CUSIK

TAKASHI KUNISHIGE

UNITED ARAB EMIRATES

WORLD BOXING COUNCIL

ZHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
8 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with