Bakbakang Cena-Ryback sa ‘WWE: Extreme Rules sa Studio 23

MANILA, Philippines - Magkakasubukan sina  John Cena at dating kaalyado at kaibigang niyang si Ryback sa wrestling arena bukas (May 21) pati na rin ang pito pang mainit na banggaan sa “WWE: Extreme Rules,” 9:30 PM, sa Studio 23.

Maanghang ang binitawang mga salita ni Ryback kaugnay sa kung paano niya itutumba si Cena para sa WWE Championship.

Magsasagupa rin sina Brock Lesnar at Triple H sa loob ng bakal na hawla at sina Alberto Del Rio at Jack Swagger sa isang “I Quit” match para maging No. 1 contender sa World Heavyweight Championship.

Sinu-sino ang magwawagi?

Huwag palalampasin ang “WWE: Extreme Rules” bukas (May 21), 9:30 PM sa tahanan ng WWE sa Philippine free TV, ang Studio 23.

Show comments