Laro Ngayon
(Blue Eagle Gym)
2 p.m. EA Regen vs Boracay Rum
4 p.m. Big Chill vs Fruitas
MANILA, Philippines - Mga panalong naiposte sa unang pagkikita sa eliminasyon ang nagbibigay dagdag-kumpiyansa sa Boracay Rum at Fruitas na manalo pa sa EA Regen at Big Chill sa pagbabalik ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Kailangan lamang ng Waves at Shakers na manalo sa larong ito dahil bitbit nila ang mahalagang twice-to-beat advantage sa Team Delta at SupercharÂgers matapos angkinin ang ikatlo at apat na puwesto sa pagtatapos ng single-round elimination.
Sa ganap na alas-2 ng hapon magtatapat ang Waves at Team Delta at bitbit ng tropa ni coach Lawrence Chongson ang momentum dulot ng 85-75 panalo sa naunang pagÂkikita.
Ngunit aminado si Chongson na kailangan nilÂang magpursigi pa lalo pa’t inaasahan niyang mas malakas na ngayon ang baÂtaan ni coach Allan Trinidad dahil sapat na ang panahon para magkaamuyan na sila ng laro.
“Ibang EA Regen team na ito. Naniniwala akong lalabas na ang lakas ng team na ito kaya’t dapat na maghanda kami,†wika ni Chongson.
Sisikaping daanin sa bilis at mas pulidong set plays para maisantabi ang bitbit na height advantage ng Team Delta sa katauhan nina 6’6 Ian Sangalang at 6’7 Raymund Almazan bukod pa sa opensa nina Jimbo Aquino at Alex Nuyles.
Dakong alas-4 matutunghayan ang bakbakan sa pagitan ng Shakers at Superchargers at sasandaÂlan ng tropa ni coach Nash Racela ang kinuhang 83-75 panalo sa naunang pagkikita.
Nadagdagan ang puÂwersa ng Big Chill matapos makuha si Jeckster Apinan na binitiwan ng EA Regen upang may makatuwang sa puntos ang ibang inaaÂsahan sa pangunguna ni Terrence Romeo.