^

PSN Palaro

Parker ibabandera ng Spurs vs Grizzlies

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Na­bigo si Danny Green na labanan ang isang pick na nagresulta sa open three-pointer ni Golden State Warrior Stephen Curry.

Ngunit ang sigawan sa Oracle Arena noong Hu­webes ay mas mahina kumpara sa sermon ni Tony  Parker kay Green.

Ito ang sandali na ipi­nag­yabang ni San Antonio Spurs coach Gregg Popovich si Parker.

“He’s just really matured to the point he takes things personally if we’re not playing well,” sabi ni Popovich kay Parker.

Kakailanganin ng San Antonio ang leadership ni Parker sa kanilang pagsagupa sa Memphis Grizzlies sa Game 1 sa Linggo para sa Western Conference finals.

Humugot ang French star ng 10 sa kanyang 13 points sa final quarter para igiya ang Spurs sa 94-82 paggupo sa Warriors sa Game 6 ng kanilang Wes­tern Conference semifinals series.

“He was unbelievable down the stretch,” wika naman ni Tim Duncan kay Parker. “He’s our finisher, that’s what he does.”

Kinuha ng Spurs si Parker bilang 28th pick sa 2001 NBA Draft.

Tinulungan ni Parker ang  San  Antonio sa pag­sik­wat sa tatlong NBA championships.

Sa pagkakaroon ng injury  nina Duncan at Manu Ginobili, si Parker ang naging lider ng Spurs sa nakaraang mga seasons.

Naglista si Parker ng mga averages na 17.1 points, 6.0 assists at 33 minuto.

DANNY GREEN

GOLDEN STATE WARRIOR STEPHEN CURRY

GREGG POPOVICH

MANU GINOBILI

MEMPHIS GRIZZLIES

ORACLE ARENA

PARKER

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with