^

PSN Palaro

Road Warriors nagpatibay sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Road Warriors nagpatibay sa quarters
Binuhat ni NLEX import DeQuan Jones sina Jason Perkins at Tyler Tio ng Phoenix..
PBA Image

MANILA, Philippines —  Pinigilan ng NLEX ang apat na dikit na kamalasan para makasilip ng pag-asa sa eight-team quarterfinals cast ng PBA Season 49 Governors’ Cup.

Sinagasaan ng Road Warriors ang talsik nang Phoenix Fuel Masters, 104-79, kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Bumanat si import De­Quan Jones ng 27 points at may 19, 14 at 10 mar­kers sina Ro­bert Bolick, Ba­ser Amer at Enoch Val­dez, ayon sa pagkaka­su­nod.

Pinaganda ng NLEX ang kanilang record sa 4-5 para makauna sa Black­wa­­ter (3-5) sa agawan nila sa No. 4 berth sa Group B.

“Alam naman nila kung gaano kaimportante ‘yung laro ngayon para sa amin. Pero hindi pa naman kami au­tomatic na papasok. Si­yempre, depende rin sa Blackwater,” sabi ni coach Jong Uichico

Matapos talunin ang TNT Tropang Giga (7-2) ay bumagsak ang Phoenix sa 1-9.

Kaagad kuma­wala ang Road Warriors sa pagtatala ng 54-37 halftime lead.

Isinara nila ang third pe­riod bitbit ang 83-55 ben­­tahe, habang ang three-point shot ni Robbie Herndon ang nagbaon sa Phoenix sa 94-61 sa 6:30 minuto ng fourth quarter.

Sapat na ito para sa pa­­nalo ng NLEX na lala­banan ang Barangay Gi­nebra (6-3) bukas.

Samantala, hahara­pin ng Blackwater (3-5) ang San Miguel (6-3) ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang upakan ng Meralco at sibak nang Terrafirma (1-8) sa alas-7:30 ng gabi.

Kailangang manalo ng Bossing sa Beermen at kontra sa Rain or Shine Elasto Painters (6-2) sa Lu­nes para makasama sa crossover quarterfinals.

Laglag ang Blackwater sa two-game losing skid, habang nabigo ang San Mi­guel sa Rain or Shine, 112-122.

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with