Abueva, Tenorio mahigpit ang labanan

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

7:30 p.m. Alaska vs Ginebra (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Nakatakdang pangalanan bukas sa Game Three ang mananalo sa Best Player of the Conference at Best Import ng 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Naglalaban para sa Best Player of the Confe­rence award sina LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Alaska rookie forward Calvin Abueva.

Tumapos si Tenorio na may pinakamataas na statistical points total na 480 points, ngunit bitbit naman ni Abueva ang pinakamataas na SP ave­rage na 28.5 points mula sa  kanyang 150 won-game bonus points.

Nagtala ang 5’8 na si Tenorio ng 28.3 SPs a game sa likod ng kanyang mga averages na 13.8 points, 5.0 rebounds, 5.1 assists, 1.9 steals at 0.1 block.

Kung sakaling manalo, maidadagdag ni Tenorio ang BPC plum sa kanyang 2010 Most Improved Player award, 2010 Mythical First Team citation,  2010 Fiesta Conference Finals co-MVP honors at 2010 Williams Jones Cup MVP trophy.

Nagposte naman ang 6-foot-3 na si Abueva ng 401 total SP o average na 25.5 a game mula sa kanyang mga averages na 11.7 points, 8.9 rebounds, 1.3 assists, 0.7 steals at 0.7 blocks.

May posibilidad namang hirangin si Abueva bilang unang rookie na nanalo ng BPC award matapos sina Eric Menk at Danny Seigle noong 1999.

Pumapangatlo si Global-port scorer Gary David na may 26.0 kasunod sina JVee Casio (25.4) ng Alaska at 2013 Philippine Cup BPC winner Jayson Castro (25.2) ng Talk ‘N Text.

Para naman sa Best Import award o ang ‘Bobby Parks Trophy’, ang mga nag-aagawan ay sina Rob Dozier ng Alaska at Vernon Macklin ng Ginebra.

Ngunit ang nangu­nguna sa istatisko ay si Meralco reinforcement Eric Dawson mula sa kanyang 53.9 SPs a game.

Samantala, kasaluku­yang pinaglalabanan ng Alaska Aces at Barangay Ginebra ang Game 2 habang sinusulat ang artikulong ito.

 

 

Show comments