MANILA, Philippines - Nagtala ng pitong mahahalagang puntos si Jeff Viernes sa huling dalawang minuto sa laro para bitbitin ang Boracay Rum sa 63-54 panalo laban sa Fruitas sa pagtatapos ng PBA D-League Foundation Cup elimination kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang biglang pagsikad ni Viernes na may 12 puntos sa labanan, ay nangyari matapos ang huling pagdikit ng Shakers sa 60-62, para wakasan ng Waves ang kampanya sa 7-4 baraha.
Dahil dito, nagkatabla ang Waves at Shakers sa karta at inangkin ang ikatlong puwesto papasok sa quarterfinals.
Pareho namang magtataglay ng mahalagang twice-to-beat advantage ang Waves at Shakers sa makakalabang EA Regen at Big Chill sa quarterfinals sa Martes.
“I’m proud with how our players responded to the challenge. We needed this win to remain in contention,†pahayag ni coach Lawrence Chongson.
Dahil din sa panalong ito ng Boracay ay namaalam na rin ang Cagayan Valley na sa Aspirants’ Cup ay tumapos sa pangalawang puwesto.
Masaklap na kabiguan ito para sa bataan ni coach Nash Racela na umasang sila ang kukuha sa ikalawang awtomatikong puwesto sa semifinals.
Sa nangyari, ang pahiÂngang Blackwater Sports na may 8-3 karta ang makakasama ng nagdedepensang NLEX na uusad na sa Final Four.
Tinapos ng Road Warriors ang labanan sa elims bitbit ang ikasiyam na sunod na panalo sa 81-70 pananaig sa Jumbo Plastic.
May 14 puntos si Byron Villarias, kasama ang apat na tres, at kalahati rito ay kanyang ginawa sa seÂcond period para bigyan ng 39-27 bentahe ang Road Warriors.
Hindi naman hinayaan ng Informatics na hindi makatikim ng panalo sa ikalawang pagsali sa liga nang hiritan ng 81-66 panalo ang Hog’s Breath sa ikatlo at huling laro.
May 35 puntos si Jeric Teng para sa Icons na siyang nakakuha ng ika-11th puwesto dahil sa winner-over-the-other rule matapos makatabla ang Razorbacks sa 1-10 baraha.