^

PSN Palaro

National athletes mapapalaban sa PNG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikita  ni PSC Commissioner Jolly Gomez na magiging maaksyon ang gaganaping 2013 Philippine National Games na opisyal na magsisimula sa Mayo 25 hanggang Hunyo 2 sa iba’t-ibang palaruan sa Metro Manila.

Si Gomez na siyang na­mamahala sa PNG ay dumalo sa PSA sa Sha­key’s Malate at naihayag ang bagay na ito dahil sa pagdagsa ng mga kasali, kasama ang mga national athletes sa isang linggong torneo.

“Its safe to say that we have 6000 individual athletes participating this year. If we add the team sports, the number would go higher,” pahayag ni Gomez.

Ang mga batikang manlalaro ng wushu lamang ang inaasahang wala sa kompetisyon dahil sila ay tutulak sa China para magsanay pero ang ibang national athletes, ka­­sama ang mga nasa prio­rity list, ay inaasahang sasali para patingkarin ang kompetisyon.

Ang PNG ay bukas sa lahat ng klaseng atleta na edad 16-anyos pataas at ang mga di kilalang manlalaro na makakasilat ng mga national athletes ay bibigyan ng pabuya ng PSC.

Dahil ‘open’ ang paligsahan sa 41 sports disciplines, ang mga foreigners ay maaari ring sumalo bukod pa sa mga Fil-Foreigners.

Ang mga mananalo ng ginto na lehitimong Fil-Foreigners o iyong mga may Philippine Passports ay babalikan ng PSC ng kanilang ginastos sa pamasahe at akomodasyon.

Sa Mayo 24 opisyal na bubuksan ang kompetis­yon pero sa Mayo 18 ay magsisimula na ang laro sa gymnastics.

Ang golf na gagawin sa Sherwood Hills sa Cavite, ang siyang huling event na itinakda mula Hunyo 5 hanggang 8.

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

FIL-FOREIGNERS

HUNYO

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE PASSPORTS

SA MAYO

SHERWOOD HILLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with