Lady Stags makakasagupa naman ang Lady Altas, Lady Bulldogs asam ang semis ticket

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. SSC vs Perpetual

4 p.m. National U vs La Salle-Dasma

 

MANILA, Philippines - Matapos durugin ang nag­dedepensang kampeong Ateneo, hangad nga­yon ng National University ang puwesto sa se­mifinals sa pagharap sa La Salle-Dasmariñas sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ikaanim na sunod na pa­nalo at 3-0 karta sa quarterfinals ang maililista ng La­dy Bulldogs sakaling ta­lunin nila ang Lady Patriots sa ganap na alas-4 ng hapon.

Paborito ang tropa ni coach Edjet Mabayyad, ngu­nit hindi sila puwedeng mag­kumpiyansa dahil ha­nap ng NCRAA champions ang makuha ang unang pa­nalo sa yugto at maging palaban ara sa Final Four.

Walang duda na sa nag­lalakihang manlalaro na sina Dindin Santiago, Ja­ja Santiago, Myla Pablo at Aiko Urdas tatakbo ang opensa na manggagaling sa beteranong setter na si Rubie de Leon.

Pilit na tatapatan ito ng La­dy Patriots ng liksi at bilis na magmumula kina Lari Yongco, Jennifer Manzano at Monique Tiangco.

Unang magtutuos sa ganap na alas-2 ng hapon ang mga NCAA teams na Perpetual Help at San Se­bastian kung saan ha­ngad ng Lady Altas ang unang panalo sa yugto pa­ra manatiling buhay ang asam na semifinals seat.

Ang dalawang kopo­nang ito ang magkaribal sa NCAA kaya’t asahan na totodo ng laro ang Lady Stags at Lady Altas.

Show comments