Gilas 2 tumabla sa PBA All-Stars team
DIGOS City , Philippines -- Panalo lahat ang kinalabasan ng laban ng PBA All-Star Game sa pagitan ng Gilas-PIlipinas at PBA All -Stars team nang matapos ang laro na tabla ang score sa 124-all sa Davao Del Sur Coliseum.
Matapos mabaon ng 11-puntos, ginugol ng Gilas ang buong fourth quarter sa paghahabol at nagawa nilang itabla ang score sa tulong ni Jeff Chan na umiskor ng panablang tres may .6 of a second na lang ang natitirang oras sa laro sapat para sa catch and shoot play ng PBA All-Stars na nabigo nilang gawin nang hindi masalo ni Alex Cabagnot ang inbound pass ni Beau Belga.
Dahil exhibition game lamang ito, hindi na nilaro ang overtime.
Dikitan lang ang laro sa unang tatlong quarters ngunit nagawang makalayo ng PBA All-Stars ng double digit, 101-90 mula sa basket ni Cabagnot sa kaagahan ng fourth quarter.
Itinanghal na co-MVP player sina Chan at Arwin Santos ng PBA All-Stars matapos umiskor ng 27 at 9 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Tulad ng dati, ikinatuwa ng mga fans ang dance showdown ng magkabilang koponan kung saan sumayaw ang Gilas Pilipinas ng Gentleman ni Psy at Cha Cha Cha sa choreography ni Mark Pingris habang ang PBA All-Stars ay sumayaw ng Gentleman at Gangnam Style ni Psy sa choreography ni Arwind Santos.
Nanalo rito ang PBA All-Star team.
PBA All-Star 124 – Santos 27, Canaleta 20, Cabagnot 15, Belga 15, Ellis 9, Abueva 9, Casio 9, Baguio 9, Lassiter 6, Caguioa 3, Yap 2.
Gilas Pilipinas 124 – Fonacier 18, David 17, De Ocampo 14, Thoss 11, Castro 11, Pingris 10, Tenorio 10, Norwood 10, Chan 9, Fajardo 9, Aguilar 5.
Quarterscores: 31-33; 65-66; 95-89; 124-124.
- Latest