^

PSN Palaro

Reynoso humakot ng 4 golds

Pilipino Star Ngayon

DUMAGUETE, Philippines --Inanunsyo ni Regine Reynoso ang kanyang pagbabalik sa Palarong Pambansa sa pagsungkit ng tatlong individual gold at nakasama sa team gold ng NCR sa gymnastics na pinaglalabanan sa Negros Oriental State University sa Dumaguete City.

Wala na ang mga foot at back injuries, buong giliw na ipinakita ni Reynoso  ang kanyang husay sa la­ra­ngan ng all-around (38.375), horse vault (12.513) at floor exercise (13.05) para sungkitin ang mga gintong medalya.

Ang individual event na nakalusot sa kanya ay sa balance beam na kung saan si Reynoso ay pumangatlo lamang pero ang kanyang naipakita ay nakatulong sa NCR na makopo ang secondary girls Women’s Artistic Gymnastics team championship sa 108.725 puntos.

Ang Cotabato Region sa pamumuno ni Precious Valerie Pama na nanalo ng ginto sa balance beam ang pumangalawa  sa 97.175 habang ang bronze sa team ay naiuwi ng Northern Mindanao sa 87.2 puntos.

Sa apat na gintong napanalunan, lumabas si Reynoso na nakilala sa Puerto Princesa Palaro noong 2008 nang manalo ng apat na ginto at isang pilak ngunit hindi sumali noong 2010 at 2011 edis­yon, bilang kauna-unahang quadruple gold medalists ng Palaro at ng NCR.

Ang apo ng batikang television host na si German Moreno na si Luis Gabriel Moreno ay nanalo ng ginto sa secondary boys 40-m sa archery habang ang iba pang kuminang sa Big City ay ang secondary boys at girls team sa badminton, at sa secondary at elementary girls team sa lawn tennis.

Bunga nito, ang NCR ang nangunguna sa me­dal tally na ipinalabas hanggang ika-4 ng hapon kahapon sa 33 ginto, 20 pilak at 11 bronze medals.

ANG COTABATO REGION

ARTISTIC GYMNASTICS

BIG CITY

DUMAGUETE CITY

GERMAN MORENO

LUIS GABRIEL MORENO

NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY

NORTHERN MINDANAO

REYNOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with