^

PSN Palaro

Huling quarters slot nakataya sa banggaan ng Perpetual-USC belles

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  USC vs Perpetual

4 p.m.  UST vs Letran

MANILA, Philippines - Isa sa Perpetual Help at University of San Carlos-Cebu ang mamamaalam matapos ang kanilang ta­gisan sa Shakey’s V-Lea­gue Season 10 First Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Parehong walang pa­nalo, ang papalarin sa pagitan ng NCAA champion Lady Altas at CESAFI champion Lady Warriors ang kukumpleto sa apat na koponan na aabante sa quarterfinals sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na ika-2 ng hapon at sunod dito ay ang tipanan ng UST at Letran dakong alas-4 ng hapon.

Disenteng pagtatapos sa di produktibong kampanya ang hanap lang ng Lady Knights sa Lady Tigresses dahil talsik na sila sa kompetisyon sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Sa 0-3 karta at mga pag­katalo sa kamay ng La Salle Dasmariñas at San Sebastian ang tumapos sa hininga ng Lady Knights.

Kung manalo ang Letran, makakatabla nila sa 1-3 karta ang matatalo sa pagitan ng La Salle Das­ma at Lady Stags  na pa­rehong may 1-2 card ngayon at maghaharap sa Linggo.

Ngunit winner-over-the-other ang gagamitin para basagin ang tabla kaya’t out pa rin ang Letran.

May 0-2 karta ang Lady Altas at huhugot sila sa husay nina Joy Cases, Honey Rose Tubino, April Sartin at Norie Jane Diaz.

Ang nagdedepensang kampeon at walang talong  Ateneo, UST, La Salle Dasmariñas at San Sebastian ang aabante sa quarterfinals sa Group A, habang ang walang talong National University, Adamson at Arellano ang nakatiyak na sa Group B.

vuukle comment

APRIL SARTIN

GROUP B

LA SALLE DASMARI

LADY ALTAS

LADY KNIGHTS

LETRAN

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with