MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagÂkaÂkataon ang mga manaÂnakbo na makasabayan sa takbuhan ang mga iniidolong PBA players bukas sa ikatlong edisyon ng PBA Run with the Fans sa Fontera Verde (Tiendesitas) sa Ortigas, Pasig City.
Nasa 5,000 na ang bilang ng mga nagparehistro na makikipagsukatan sa 15-k, 10-k, 5-k, 3-k at 2-k disÂtansya.
Walang cash prizes na ipamamahagi sa mga mananalo pero masusulit ang kanilang takbo dahil sa mga appliances at mga gift checks ang ipamamahagi.
“Ang mga representatives ng PBA teams ay naÂngaÂkong papupuntahin ang kanilang mga plaÂyers at makasama ng mga fans,†wika ni Rose Montreal na pinuno ng marke-ting arm ng PBA.
Ang patakbo ay bahagi ng selebrasyon ng ika-38th taon ng pro league at ang kikitain dito ay ilalaan para sa cancer and hematoÂlogy center ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Sa unang dalawang taon ng patakbo, nakapag-donate ang PBA ng chemo machine sa PCMC.
Ang karera ay magsisimula sa alas-5 ng umaga at para matiyak din ang seguridad ng mga makikiisa, tatlong K9 dogs at pinalawig na security personnels ang nakapalibot sa venue ng karera.