MANILA, Philippines - Sinikwat ni import Eric Dawson ang isang mahaÂlagang defensive rebound kasunod ang pagsasalpak ng kanyang dalawang freethrows sa huling 4.4 segundo sa final canto.
Sapat na ito para maitawid ng Meralco ang 88-85 panalo laban sa nagdedepensang San Mig Coffee sa Game One ng kanilang quarterfinals series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Ara
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Bolts kaÂsabay ng pagpigil sa three-game winning streak ng Mixers.
Humakot si Dawson ng 25 points, 14 rebounds, 4 assists at 2 steals para ibigay sa Meralco ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three quarterfinals showdown ng San Mig Coffee.
“I am just so happy and delighted how we won tonight’s game,†ani coach Ryan Gregorio.
Naidikit ni import Denzel Bowles ang Mixers sa 85-86 agwat buhat sa kanyang split sa 1:17 minuto sa fourth quarter kasunod ang mintis ni Sunday Salvacion at turnover ni Dawson para sa Bolts.
Ang tumalbog na tira ni Mark Barroca para sa San Mig Coffee ang nagresulta sa defensive board ni Dawson na tumipa ng dalawang freethrows mula sa foul ni Bowles para sa 88-85 bentahe ng Meralco sa natitirang 4.4 segundo.
Samantala, sasagupain ng No. 1 Alaska ang No. 8 Air21 ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang salpukan ng No. 2 Rain or Shine at No. 7 Barangay Ginebra sa alas-8 ng gabi sa kanilang mga quarterfinals matches sa SM MOA Arena sa Pasay City.
Bitbit ng Aces at Elasto Painters ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Express at Gin Kings, ayon sa pagkakasunod.
Meralco 88 - Dawson 25, Buenafe 13, Salvacion 13, Manuel 8, Cardona 8, Ross 7, Hugnatan 6, Hodge 4, Reyes 3, Artadi 1.
San Mig Coffee 85 - Bowles 37, Mallari 12, Simon 9, Yap 8, Pingris 7, Barroca 6, Devance 6, Gaco 0, Najorda 0, Reavis 0, De Ocampo 0.
Quarterscores: 16-26; 47-43; 70-66; 88-85.