MANILA, Philippines - Ang inaabangang pagbabalik ni Manny Pacquiao ay inilipat sa Oktubre imbes sa naunang planong SetÂyembre.
At ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, posible itong gawin sa Macau, China.
“Things could be finalized by the end of the week. But we’re now looking at October,†wika ni Arum sa pagtatakda niya ng unang laban ni Pacquiao ngayong taon matapos ang dalawang sunod na kabiguan noong 2012.
Walang binanggit na pangalan ang Top Rank chief para sa sasagupain ni Pacquiao, ngunit lumulutang ang pangalan ni Mike Alvarado ng Colorado.
Sa isang report, sinabi ng manager ni Alvarado na si Henry Delgado na halos plantsado na ang laban ng kanyang boksingero kay Pacquiao.
Gusto ni Pacquiao ng rematch kay Juan Manuel Marquez matapos makalasap ng isang sixth-round knockÂout sa Mexican sa kanilang pang-apat na paghaharap noong Disyembre sa Las Vegas.
Subalit sinabi naman ng Mexican superstar, magiÂging 40-anyos sa Agosto, na wala nang dahilan para muli niyang labanan si Pacquiao.
Ngunit payag siyang gawin ito kung bibigyan siya ng premyong $20 million.
Tina-target ni Marquez, nabigyan ng guaranteed $6 million sa kanyang panalo kay Pacquiao, sina Timothy Bradley at Brandon Rios para sa kanyang laban sa Setyembre 14 sa Las Vegas o Mexico.
Tinanong si Arum kung bahagi pa rin ng negosasyon para sa susunod na laban ni Pacquiao sina Marquez at Bradley.
“Things are being finalized,†sagot ng promoter.