Laro Miyerkules
(The Arena, San Juan City)
12:45 p.m. JRU vs SBC
2:3 p.m. SWU vs UE
4:15 p.m. SSC vs Ateneo
MANILA, Philippines - Pumukol ng panabÂlang tres sa regulation at apat na mahahalagang puntos sa overtime si Bobby Ray Parks Jr. upang tulungan ang National University sa 73-71 panalo sa NCAA champion San Beda sa pagbubukas ng Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Isinantabi ni Parks ang pagluluksa matapos ang pagkamatay ng ama at dating 7-time PBA Best Import Awardee Bobby Parks Sr. dahil sa cancer nang maghatid ito ng 23 puntos bukod pa sa 8 rebounds, 4 assists at 2 steals.
“This season, I dedicate my game to my dad. I know he’s looking up from there,†wika ni Parks na isinuot ang jersey number 22 na siyang numero noong naglalaro pa si Parks Sr.
Ang tres ni Parks sa huling 2.5 segundo sa regulation ang nagpatabla sa iskor sa 64-all para magkaroon ng limang minutong extention.