^

PSN Palaro

Puntirya ang panalo vs Big Chill Fruitas gustong makabangon

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon

(Ynares Arena)

2 p.m. Fruitas vs Big Chill

4 p.m. EA Regen Med vs Cagayan Valley

MANILA, Philippines -  Ikalawang sunod na panalo ang hahangarin nga­yon ng Big Chill sa pagharap sa Fruitas sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang dalawa sa ganap na alas-2 ng ha­pon at kasunod nito ang bakbakan ng mga galing sa talong koponan na EA Regen Med at Cagayan Valley dakong alas-4 ng hapon.

May dalawang sunod na kabiguan ang Team Delta upang maunsiyami ang pa­nalo na nakuha sa unang asignatura habang ang Rising Suns ay nalusutan ng Superchargers sa huling laban, 92-93, upang malaglag sa 3-2 karta.

Ang dikitang panalo na naitala ng tropa ni coach Robert Sison ang kanyang sinasandalan na magpapatuloy laban sa Shakers na lumasap ng unang pagka­talo matapos ang tatlong sunod na panalo.

“Napahinga kami ng da­la­wang araw at sana ay hin­di magbabago ang larong naipakita nila sa Cagayan. Galing sa talo ang Fruitas kaya’t tiyak na gusto nilang makabawi,” wika ni Sison.

Tinitingnan naman ni Fruitas mentor Nash Racela ang labang ito bilang pagsukat sa character ng kanyang batang koponan.

“Galing kami sa talo at mabigat na kalaban ang Big Chill. It will be a test of the team’s character,” wika ni Racela.

Kung manalo ang Sha­kers, mananatili  sila sa ikalawang puwesto ngunit kung ang Big Chill ang papalarin, aangat ang koponan sa ikalawang puwesto kasama ang Cebuana Lhuillier at Café France.

vuukle comment

BIG CHILL

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRUITAS

NASH RACELA

PASIG CITY

REGEN MED

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with