MANILA, Philippines - Mahihirapan si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa mga unang rounds ng kanilang laban.
Ngunit sinabi ni daÂting WBC super bantamweight titlist Abner Mares ng MeÂxico na makukuha rin ni Donaire ang kahinaan ni Rigondeaux sa kanilang unification fight sa Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York.
“It might be a chess match for maybe the first three rounds,†wika ni Mares sa panayam kahaÂpon ng RngTV. “But I think that Nonito will finally figure out Rigondeaux’s style.â€
Nakatakdang itaya ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kanyang mga suot na WBO at IBF super bantamweight titles laban kay Rigondeaux (11-0-0, 8 KOs) na magsusugal naman ng kanyang bitbit na WBA crown.
Ang 30-anyos na si Donaire ay isang world four-division champion, habang isang two-time Olympic Games gold medalists naman ang 32-anyos na si Rigondeaux para sa Cuba.
Bago maplantsa ang kanilang unification fight ni Rigondeaux, si Mares (25-0-1, 13 KOs) sana ang makakasagupa ni Donaire kundi lamang sa away ng kanilang mga promoters na sina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions.
Kung sinuman ang maÂnalo sa pagitan nina Donaire at Rigondeaux ay handa si Mares, binakante ang WBC super bantamweight belt para umakyat sa featherweight class, na hamunin ito.