^

PSN Palaro

3 Pinoy panalo sa undercard ng Viloria-Estrada bout

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagposte ng magkakahiwalay na panalo ang tatlong Pinoy boxers na nasa undercard ng laban nina unified world flyweight champion Brian Viloria at Mexican challenger Juan Francisco Estrada kagabi sa Venetian Casino and Resort Hotel sa Macau.

Pinatumba ni Dodie Boy Peñalosa, Jr. (11-0-0, 11 KOs) si Ngaotawan Sithsai­song (4-5-0, 3 KOs) ng Thailand via third-round knockout sa oras na 2:54 sa kanilang non-title, super ban­tamweight bout.

Bagamat napabagsak ng Thai boxer sa first round gamit ang isang left hook, nakabangon naman si Dodie Boy, Jr. sa third round.

Umiskor naman si Dave (6-0-0, 4 KOs) ng isang KO victory nang pabagsakin si Cheroenchai Sithsaithong (4-4-0, 3 KOs) sa 29 segundo sa second round sa kanilang non-title, super ban­tamweight fight.

Nauna nang pinatumba ni Dave ang Thai sa first round.

Pinatulog ni Milan Melindo (28-0-0, 12 KOs) si  Tommy Se­ran (23-2-0, 14 KOs) ng In­donesia sa 2:38 ng fourth round.

BRIAN VILORIA

CHEROENCHAI SITHSAITHONG

DODIE BOY

DODIE BOY PE

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MILAN MELINDO

NGAOTAWAN SITHSAI

TOMMY SE

VENETIAN CASINO AND RESORT HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with