Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Meralco vs Petron 7:30 p.m. Alaska vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Aces at ng Elasto Painters ang liderato, samantalang ipaparada naman ng Boosters ang dating sentro ng Georgetown Hoyas na si Henry Simms sa kaÂnilang pagÂharap sa Bolts.
Haharapin ng Alaska ang Rain or Shine ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Petron Blaze at Meralco sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA ComÂmissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Pareho nang nakapasok sa quarterfinal round ang Aces at ang Elasto PainÂters.
Ang No. 1 at No. 2 teams ang magtataglay ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.
Magkatabla sa unahan ang Alasa at Rain or Shine muÂÂla sa magkapareho niÂlang 8-3 kartada kasunod ang Petron (6-4), Barangay GiÂnebra (6-5), nagdedeÂpenÂsang San Mig Coffee (6-6), Talk ‘N Text (5-6), Air21 (5-7), Barako Bull (4-7) at Globalport (2-9).
Sumasakay ang Elasto PainÂters sa isang three-game winning run.
Nauna nang tinalo ng Alaska ang Rain or Shine, 83-81, sa kanilang unang pagÂtatagpo.
“We want to clinch one of the top two spots with three games remaining. We want to better our last conÂference elims record of 8-6 and lastly we want to prove that our win against them was no accident,†saÂbi ni Aces’ head coach Luigi Trillo.