MACAU – Kung may taÂtargetin man si Brian VilÂoria kay Juan Francisco EsÂtrada, ito ay ang bodega ng Mexican challenger.
Ito ang sinabi ni Viloria sa press conference kaÂhapon para sa “Fists of Gold†card sa The Venetian caÂsino resort.
“I don’t know if he can take the body shots. I want to test that early. I want to see his ability,†sabi ng FiÂlipino world flyweight chamÂpion.
Nakatakdang itaya ni ViÂloria ang kanyang mga suÂot na WBO at WBA flyweight titles laban kay Estrada bukas sa Cotai Arena.
Maganda ang porma at kondisyon ni Viloria at hanÂdang-handa na para kay Estrada.
Sinabi ni Viloria na biÂÂnabantayan niya ang kanÂyang timbang at kamaÂkalawa ay nagkaroon sila ng steak dinner ng kanyang asawang si Erika sa isang Italian restaurant.
Ang official weigh-in ay nakatakda ngayong alas-2:30 ng hapon.
Napanood na ng 32-anyos na si Viloria ang mga fight tapes ng 22-anÂyos na si Estrada.
“He’s the high-output type of guy. He puts a lot of combinations and he throws a lot of punches. He likes to throw uppercuts,†paglalarawan ni Viloria kay EsÂtrada.
“But I’m not too sure how well he takes punches. I’m going see a lot and adÂjust throughout the fight then pick the best way for me to beat him,†dagdag pa nito.
Sapul noong Hulyo ng 2010 ay anim na sunod na panalo ang kinuha ni Viloria laÂban kina Omar Sotto, GioÂvanni Segura, Omar NiÂño Romero at Hernan ‘TyÂson’ Marquez.
Pinatumba ni Viloria siÂna Segura, Romero at MarÂquez, at umaasa ito rin ang balak niyang gawin kay EsÂtrada.