Dianquinay nag-reyna sa Memory game

LONDON via PCSO - Pinagreynahan ni Mary Sharmaine Dianquinay, ang kampeon ng Thailand International Open Wo­men’s, ang Welsh Open Memory Championships sa Llanover Village Hall sa South Wales, United Kingdom.

Hinirang na overall champion ang 18-anyos na miyembro ng Philippine Memory  team sa women’s division.

Binigo niya ang mga memory athlete mula sa London, Cambridge, Wales, Sweden, Denmark, Germany, Greece  at Hongkong.

“Happy po ako at kina­bahan. Praise God at tapos na rin,” sabi ng estudyante ng Speech Pathology sa UP Manila na kumuha ng silver at bronze medal sa 2013 Australian Open Memory Championships noong Nobyembre sa Brisbane, Australia.

Si Dianquinay ang naging unang internatio­nal overall champion sa women’s division sa 2012 Thailand Open Memory Championships kung saan nakuha niya ang gintong medalya sa Random Words Division.

Ibinulsa rin niya ang silver medal sa Spoken Numbers Division at ang bronze medal sa Random Words Division sa 2012 Australian Open Memory Championships.

Show comments