^

PSN Palaro

Bagong 2-year residency rule ng UAAP ipinababasura ni Cayetano

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni Sen. Pia Ca­yetano sa UAAP na ibasura ang bagong two-year residency rule para sa mga college transferees.

Sinabi ni Cayetano sa isinagawang Senate inquiry kahapon na ang atleta mismo ang direktang naaapektuhan sa ipatutupad na bagong alituntunin ng UAAP Board.

“You present the athletes with a terrible choice: stay with a school that isn’t your first choice, or move to a school that you want but not play the sport which is your first love,” sabi ni Ca­yetano. “I will call it a spade: the rule protects the institution more than it protects the child.”

Ang mga atletang gus­tong lumipat sa UAAP member school sa college ay dapat munang ubusin ang kanyang unang dalawang taon para sa residency rule.

Kamakailan ay inapru­bahan ng UAAP Board ang pagpapataas ng dalawang taon sa residency period ng mga high school players na gustong lumipat sa isang member school.

Isa sa mga basketball players na pinag-aagawan ay si Jerie Pingoy, ang pambato ng Far Eastern University sa high school division na gustong lumipat sa Ateneo Blue Eagles.

Irerekomenda ni Ca­ye­˙tano sa UAAP Board na ibasura ang naturang two-year residency rule at sa halip ay panatilihin na lamang ang one-year residency para sa mga college transferees.

ATENEO BLUE EAGLES

CAYETANO

EUML

FAR EASTERN UNIVERSITY

HINILING

IREREKOMENDA

ISA

JERIE PINGOY

PIA CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with