Football pitch ipapagawa na ng PSC

MANILA, Philippines - Magiging bahagi na ng na­kalipas ang tagpo na kung saan binabaha ang pitch ng Rizal Memorial Foot­­ball Stadium.

Ito ay matapos tiyakin ni PSC Commissioner Jolly Go­mez na ipapaayos na ng ahensya ang pitch sa bandang Hunyo.

Ang reaksyon ni Gomez ay matapos bahain ang pitch noong Linggo makaraan ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ang pangyayari ay uma­­ni ng pagpuna kina Az­kals coach Hans Michael Weiss at Fil-German player Stephan Schrock.

“It was different than the last time I played. I was a bit disappointed; it was not what I expected,” wika ni Schrock na naglaro sa field noong 2011 laban sa Ku­wait.

“It’s an absolute embarrassment,” wika ni Weiss. “The people who are hand­ling these matters should really think deep because eventually, these players, they lose interest,” pahabol ni Weiss.

Inihayag ni Gomez na handa na ang pagsasaayos ng pitch para maging artificial pitch.

Para matiyak na hindi na ito mangyayari muli, nagdagdag ang PSC ng P5 milyong pondo para bumili ng water absorption system at mas maging maayos ang drainage ng field.

Maging ang track oval na kung saan napag-iipunan ng tubig-ulan ay aayusin din at papantayin.

“The inside lane will also be renovated to level the drainage of the field. The si­tuation last Sunday will not happen with this new field,” pagtitiyak ni Gomez.

 

Show comments