Bobby Parks pumanaw na

MANILA, Philippines - Naging palaban siya sa loob ng basketball court, ngunit hindi niya nakayanan ang pakikipagsagupa sa sa­kit na kanser.

Sumakabilang buhay kahapon si seven-time PBA Best Import Bobby Parks, Sr. sa San Juan De Dios Hospital.

Si Parks ay 51-anyos.

Nauna nang napag-alaman na may laryngeal cancer si Parks noong nakaraang taon hanggang lumubha ito nitong Pebrero.

Iniulat ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Parks, dating head coach ng San Miguel Beermen sa Asean Basketball League, ganap na alas-4:55 ng hapon.

Maraming nalungkot sa pagkamatay ni Parks, ang anak na si Bobby Ray ay isang UAAP MVP awardee.

Isa na dito si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na idinaan ang kanyang pakikidalamhati sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

“More than his 7 Best Import Awards Bobby brought in an un import-like work ethic, in contrast to d ‘pa-star’ ways of most imports then & now,” wika ni Reyes sa 6-foot-5 na si Parks.

Show comments