Heat sinunog ang Magic para sa ika-27 sunod na panalo
ORLANDO, Florida--Isang rebound lamang ang kulang ni LeBron James para makumpleto ang kanyang triple-double.
Ngunit iyon lamang ang mairereklamo ng Miami Heat.
Tumapos si James na may 24 points, 11 assists at 9 rebounds at nakamit ng Heat ang kanilang ika-27 sunod na panalo nang payukurin ang Orlando Magic, 108-94, noong Lunes ng gabi.
Nagdagdag si Mario Chalmers ng 17, habang may tig-12 naman sina Chris Bosh at Ray Allen para sa MiaÂmi, nagpakawala ng isang 13-0 atake sa pagtatapos ng third period at sa pagsisimula ng fourth quarter para talunin ang Orlando.
Itinala ng Heat ang isang 20-point lead bago ginamit ni Fil-American head coach Erik Spoelstra ang lahat ng kanyang players sa bench para sa kanyang pang-250 panalo sa koponan.
Anim na laro pa ang kailangan ng Miami para madupÂlika ang 33 sunod na panalo ng Los Angeles Lakers na nangyari noong 1971-1972 bilang pinakamahabang winning streak sa NBA history.
Nagposte naman si Jameer Nelson ng 27 points at 12 assists para sa Magic, habang may 20 points si Tobias Harris.
Ang isang 20-2 ratsada sa loob ng 4:30 minuto sa third at fourth quarters ang kinailangan ng Miami upang talunin ang Orlando.
Ang 27 ng Heat ang ikalawang pinakamahabang winning streak sa American major sports sa ilalim ng LaÂkers kasunod ang baseball team na New York Giants na may 26 dikit na tagumpay noong 1916, ang 21 ng New England Patriots sa NFL noong 2003 at 2004 at ang 17 ng Pittsburgh Penguins sa NFL noong 1993.
- Latest