Bobcats isinunod para sa ika-26 dikit na panalo: Lumalapit na ang Heat

MIAMI--Nanood ang mga pinakasikat na atleta kung muling magagawa ng Miami na manalo.

Kabilang sa mga ito ay sina Novak Djokovic, ang top-ranked men’s tennis player, Wladimir Klitschko, ang world heavyweight boxing king at si Rory McIlroy na nasa ibabaw ng golf rankings.

Sinikwat ng Heat ang kanilang pang-26 sunod na panalo mula sa 32 points, 10 assists at 8 rebounds para sa 109-77 paggiba sa Charlotte Bobcats.

“I think it’s very humbling that you can have some of the greats from other sports come to see your team play, come to see you play,’’ ani James, tumipa ng 11-for-14 fieldgoal shooting. “You try to leave an impression on them, as a team and as an individual, absolutely. So it was great to have them in the building, for sure.’’

Nagdagdag sina Chris Bosh at Norris Cole ng tig-15 points para sa Heat, nag­laro nang wala si Dwya­ne Wade dahil sa sumasakit nitong kaliwang tuhod.

Pitong panalo pa ang kailangan ng Miami para matumbasan ang 33-game winning streak ng Los Ange­les Lakers na nangyari noong 1971-1972 season.

Sasabak ang Heat sa isang four-game trip na magsisimula sa Orlando kasunod sa Chicago, New Orleans at San Antonio.

Kinuha ng Charlotte ang isang 11-point lead sa first period at lumamang ng limang puntos sa third quarter.

Ngunit nag-init ang Heat sa pamamagitan ng isang 31-6 atake sa first half at naglunsad ng isang 26-5 ratsada sa second half patungo sa kanilang panalo.

 

Show comments