MANILA, Philippines - Isa na namang bago at talentadong racing team, na binubuo ng mga bata at papasikat na riders sa two wheels, ang pumapaimbulog sa larangan ng local racing circuit.
Sa pangunguna ni EnÂzo Rellosa, ang Suzuki-Phoenix-YRS racing team na sinusuportahan din ng RK Chain at Vee Rubber, ay kasalukuyang nagdodoÂmina ng road racing at moÂtocross competitions sa nakalipas na racing period mula Feb.17-March 10, 2013.
Si Rellosa ang nagpakiÂtang gilas ng husto para sa Suzuki-Phoenix-YRS team matapos masungkit ang titulo sa underbone motorcycle race at motoÂcross competition sa kasiyahan ng maraming race enthusiasts na patuloy na naghahanap ng mga bagong uri ng kampeon.
Si Rellosa, ang 18-year-old pride ng Iriga City, Bicol, ay nagwagi sa T-135MX category ng Yamaha Cup, na itinaguyod ng Sonic Boom at binasbasan ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) sa Marikina City Hall nung Peb. 24.
Nasundan pa ito ng sina Rellosa at Eljin Lobarbio, ay pumangalawa sa 115 S/S category sa 2013 Repsol-National Road Race Series nung Peb. 17.