Laro ngayon
(Tahn Bihn Stadium, Ho Chi Minh City sa Vietnam)
5:30 p.m. San Miguel Beer vs Saigon Heat
MANILA, Philippines - Palawigin sa limang sunod na panalo ang nakataya para sa San Miguel Beer sa pagbangga sa Saigon Heat sa pagtatapos ng 4th ASEAN Basketball League Hoops Fest ngayon sa Tahn Bihn Stadium sa Ho Chi Minh City sa Vietnam.
Ikalawang laro sa triple-header game sa ganap na alas-5:30 ng hapon masisilayan ang tagisan at ang Beermen ay aasinta rin sa kanilang ikawalong panalo matapos ang 11 laro para tumibay pa ang hawak sa ikalawang puwesto.
Galing ang tropa ni coach Leo Austria mula sa 73-53 panalo laban sa Singapore Slingers noong Biyernes ng gabi na kung saan nakikita ang bangis nina Chris Banchero, Asi Tauvala Brian Williams at ang bagong import na si Justin Williams.
Si Banchero ang naÂnguna uli sa koponan sa kanyang 19 puntos habang sina Taulava at Williams ay nagsama sa 26 puntos at may tig-10 boards. Si Williams na pumalit pansamantala kay Gabe Freeman ay may 9 blocks at 10 rebounds.
Inaasahang ang apat na ito ang muling mananaÂlasa laban sa Heat na lumasap ng 69-90 pagkatalo sa Westports Malaysia.
May respetadong 10 puntos si Filipino guard Al Vergara para sa bagong koponan pero ininda ng Saigon ((3-6) ang ‘di pagÂlalaro ng import na si Dior Lowhorn dahil sa injury.
Hindi pa batid kung makakabalik na si Lowhorn at tiyak na sasamantalahin ito ng Beermen kung patuloy na mauupo ito sa bench.