MANILA, Philippines - Dinomina ni Glenn “The RocÂket†Aguilar ang mga matitikas na karibal na kinabibilangan ng mga foreign riders para makopo ang dalawang titulo sa premier class ng Kopiko Astig 3-in-One Supercross Series kamakailan sa Basi City, Negros OrienÂtal.
Pinagharian ni Aguilar sa harap ng halos 40,000 motocross fanatics ang mga labanan sa Pro Open (450cc) at Pro Lites (250cc).
Tinalo ni Aguilar sa finals ng Pro Open (450cc) sina Dondon Yuson, Bornok Mangosong at Jonjon Adlawan.
Nauna rito, nakuha ni Aguilar, isang PSA awarÂdee, ang Pro Lites (250 cc) category kontra sa mga nabanggit na riders.
Dahil sa kanyang mga panalo, nakopo ni Aguilar ang pangunguna sa overall standings patungo sa prestihiyosong Rider of the Year Award na ipagkakaloob sa pagtatapos ng 12-lef race sa susunod na taon.
Sina World number six Nikolaj Larsen ng Denmark at ang kanyang koponan na sumabak sa first leg sa Cebu ay hindi nakadalo.
Sa kabila nito, umabot sa 128 riders mula sa 64 koponan ang sumabak sa torneo na inorganisa ng Man & Machine RaÂcing Promotions.