^

PSN Palaro

2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing: 3 Pinoy sumuntok ng panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magandang panimula ang naitala ng Pilipinas sa unang araw ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships nang manalo ang tatlong boksingero na sumabak sa aksyon kaha­pon sa Subic Gym.

Sina flyweight Ian Clark Bautista,  lightweight Ja­mes  Palicte at welter Eumir Felix Marcial ang siyang nakitaan ng galing laban sa mga mahuhusay na katunggali upang umabante sa second round.

Sinandalan ni Bautista ang masigasig na diskarte sa tatlong rounds upang makuha ang 33-30 iskor sa count back at ideklarang panalo laban kay Kavinder Bisht ng India.

Kontrolado ni Bautista ang unang dalawang rounds, 6-4, at 8-7, pero bumangon ang Indian bo­xer sa ikatlo at huling round para maitabla ang labanan sa 10-all iskor.

Naipakita ni Palicte ang kanyang kalibre nang angkinin ng nagbabalik na national team member ang 11-9 tagumpay kay Yuuta Akiyama ng Japan habang si Marcial ay umukit ng RSC sa huling 2:02 ng second round kay Shamurat Cherkezov ng Turkmenis­tan.

Hinawakan agad ni Palicte ang 6-4 kalama­ngan matapos ang unang round at hindi na nagpa­baya para maikasa ang kumbinsidong panalo.

Ginanap ang laban matapos ang makulay na opening ceremony na kinatampukan ng pagdalo ni AIBA President Dr. Ching-Kuo Wuat ASBC executive director Aziz Kozhambetor na sinamahan ni ABAP president Ricky Vargas.

Magpapatuloy ang aksyon ngayon sa pagsa­bak nina bantamweight Jonas Bacho at World Junior bronze medalist light flyweight Jade Bornea.

Kalaban ni Bacho si Ruchira Gunasena ng Sri Lanka, habang makikipag­palitan ng sunotk si Bornea sa Uzbeks na si Mu­rodjon Akhmadalieve.

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

AZIZ KOZHAMBETOR

BAUTISTA

DR. CHING-KUO WUAT

EUMIR FELIX MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

JADE BORNEA

PALICTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with